WebClick Tracer

NEWS

Importasyon ng 150K toneladang asukal kasado na

Pinadala na ng Sugar Regulatory Administration sa Department of Agriculture ang draft sugar order para sa pag-aangkat ng 150,000 toneladang asukal.

Ayon kay SRA Administrator and CEO Pablo Luis Azcona, ang bagong panukalang importation ang magsisilbing buffer stock para masigurong hindi basta sisirit ang presyo. Kung hindi mag-aangkat, mararamdaman ang shortage ng asukal sa paglagpas ng August 30.

“Wala po tayong choice dito. Mag-aangkat po tayo,” sabi ni Azcona sa programa sa radyo nina Ted Failon & DJ Chacha.

Aniya, 1.78 milyong tonelada lamang ang inaasahang produksyon ngayon– 1.3 milyong tonelada sa Visayas, 94,000 sa Luzon, at 355,000 tonelada sa Mindanao.

Oras na dumating ang imports, magkakaroon na ng buffer stock para sa isa hanggang dalawang buwang suplay.

Hindi tulad ng 440,000 toneladang asukal na naunang inangkat ngayong taon na tatlo lamang ang nagpasok, sinabi ni Azcona na ini­utos ni Pangulong Bongbong Marcos Jr. na buksan ang importasyon sa lahat ng international traders of good standing.

Sinisi ng FAS ang pagsirit­ ng presyo ng asukal sa bansa sa kakulangan sa asukal na pula o raw sugar na kailangan ng mga refineries para tumakbo. Sa mill site, nag-umpisang sumirit ang presyo ng asukal. (Eileen ­Mencias)

See Related Stories:

Usec Panganiban nilaglag asukal cartel

Marcos inaprub import ng 150K toneladang asukal

Cartel tiba-tiba sa P60 per kilong asukal tongpats

Related News

TELETABLOID

Follow Abante News on