WebClick Tracer

METRO

40K puslit na litrong gasolina bumulaga sa Bataan private port

Nilinaw ng Philippine Ports Authority (PPA) na hindi sakop ng kanilang hurisdiksiyon ang isang pribadong pantalan sa Bataan, kung saan nasabat ang malaking bulto ng pinaghihinalaang puslit na gasolina.

Ayon kay PPA General Manager Jay Santiago, mahigpit ang kanyang tagubilin sa lahat ng nangangasiwa sa mga pantalan na sakop ng ahensiya na huwag ipagamit sa kabulastugan ang pasilidad sa nasasakupan ng mga ito.

Kamakailan nasabat ng Bureau of Customs (BOC) ang isang lorry truck at trailer truck na naglalaman ng mga puslit na gasolina sa Barangay Lucanin, Mariveles, Bataan sa isang pribadong pantalan sa Bataan na Seafront Shipyard and Port Terminal Services Corporation ang undocumented na 40,000 na litro ng gasolina sa hurisdiksyon ng Freeport Area of Bataan.

Batay sa imbestigasyon ng BOC, nasa 0% ang fuel marker ng mga nasamsam na gasolina matapos nitong sumailalim sa isang fuel marking test ng testing at certification company na Société Générale de Surveillance (SGS).

Ayon sa BOC, nakatakdang ikarga ang trailer truck bitbit ang P12.5M gasolina sa dalawang sasakyang pandagat na Meridian Cinco at MV Seaborn Cargo 7 na sumasailalim sa maintenance repair sa shipyard.

Ang fuel marking ay ginagamit ng gobyerno upang sugpuin ang pagpupuslit ng mga produktong petrolyo at para mapataas ang revenue collection ng BOC AT Bureau of Internal Revenue (BIR) mula sa taxable imported at locally refined petroleum products.

Ang mga ganitong klaseng inisyatiba ay alinsunod sa pagpapalakas ng Anti-Smuggling Effort ng Intelligence Group and Enforcement Group ng BOC na kung saan pitong daan at siyam (709) na smuggled goods na nagkakahalaga ng kabuuang P24.28B ang napaulat na nasabat simula pa noong nakaraang taon.

Anong masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on