BINIGO ng Pilipinas Warriors ang nakatapat na Indonesia, 11-5, Biyernes sa men’s 3×3 basketball para simulan ang 12th ASEAN Para Games sa Elephant Hall A ng Morodok Techo National Stadium sa Phnom Penh, Cambodia.
Pinangunahan ng sweet-shooting na sina Kenneth Tapia at bull strong Alfie Cabanos ang matinding atake upang basagin ang 5-5 deadlock tungo sa pag-ukit sa panalo para sa Vernon Perea-mentored dribblers na nais humataw ng ginto pagkatapos ng silver-medal finish sa huling taon na edisyon sa Surakarta, Indonesia.
“So far, so good,” ani Perea, na ang iba pang manlalaro ay sina Clifford Trocino, JR Escalante at Rene Macabenguil.
Ang chess team, na pinamumunuan ni Surakarta Para Games quadruple gold winner Sander Severino, ay sasabak sa labanan simula alas-9 ng umaga ngayon sa Royal University sa rapid chess na magtatapos bukas.
Nagtala ang Filipino woodpushers ng 10 sa 28 mints.
“Kami ay umaasa na mapabuti mula sa huling pagkakataon,” sabi ni coach James Infiesto.
Isang ceremonial flag ceremony ang ginanap kahapon ng umaga na dinaluhan ng mga pinuno ng National Paralympic Committees, chiefs of mission at ilang mga atleta mula sa 11 kalahok na bansa kabilang ang presidente ng Philippine Paralympic Committee na si Mike Barredo at PSC Commissioner at CDM Walter Torres.
Ang weeklong event ay opisyal na magsisimula sa isang grand opening ceremony ngayong araw kung saan ang Pilipinas ay sasabak sa piling grupo ng 50 atleta at opisyal kabilang ang flag-bearer na si Ariel Aligarbes ng swimming.
(Lito Oredo)
See Related Stories:
Ariel Alagarbes flag bearer sa 12th ASEAN Para Games