WebClick Tracer

METRO

Sex change butata sa Russia

Suportado ng halos 400 miyembro ng parliament ang panukalang pagbabawal sa sex-change sa hanay ng lesbian, gay, bisexual, transgender, intersex, queer/questioning, asexual (LGBTQA) sa Russia.

Sa pamumuno ni Speaker Vyacheslav Volodin, walang puwang na gawing legal ang surgical sex change sa Russia dahil taliwas umano ito sa kahulugan ng ‘family values.’

Sa panukala noong Martes, may tinukoy na listahan ang gobyerno kung saan lang puwedeng payagan ang sex change tulad ng paggamot sa congenital physiological anomaly sa mga bata.

Nauna na ring hinigpitan ng Russia ang pagpapatupad ng ‘gay propaganda’ na nagbabawal sa pakikipag-relasyon sa mga miyembro ng LGBTQ.

Related News

TELETABLOID

Follow Abante News on