WebClick Tracer

LIFESTYLE

Nursing student lodi sa pet shop business

Mahalaga sa pagnenegosyo ang makilala ang costumer mo at kanilang pangangailangan. ‘Yan ang strategy ng nursing student na ito sa Bulacan na nagtayo ng sarili niyang pet shop business!

Siya si Mark Mercado, 20-anyos mula sa Brgy. Rueda sa bayan ng Plaridel. Kasalukuyan siyang kumukuha ng kursong Bachelor of Science in Nursing sa Our Lady of Fatima University – Pampanga Campus.

Si Mark ang sole owner ng ‘PetMo BulPam’, isang pet shop business kung saan nagbebenta siya ng mga supplies at accessories ng mga hayop.

Ilan sa mga ito ay feeds, dog foods, cat foods, at iba pang mga needs ng mga alagang pets. Bukod dito, nago-offer rin ang kanyang shop ng iba’t ibang breed ng pusa at aso gaya ng munchkin, persian, bully, chihuahua, dachshund, at iba pa.

Kwento ni Mark sa Abante News, nagsimula ang kanyang pagnenegosyo noong May 2022, at isa sa naging mahalagang factor para tanggapin niya ang negosyong ito ay dahil sa dami ng mga nag-aalaga ng hayop sa kanilang area.

Bilang isang nursing student at business owner, isa sa struggle niya ang pagma-manage ng kanyang schedule.

“Schedule ‘yung bawat lakad, iwasan ‘yung mga lakad na hindi mahalaga. Mag-focus sa business kapag free time if walang magbabantay naghahanap kami ng pwedeng magbantay sa shop at higit sa lahat ‘yung mapagkakatiwalaan.”

Sa usapang negosyo, hindi rin naman umano maiiwasan na malugi dahil may mga araw na walang benta. Sabi pa niya, “Kailangan mong maranasan yung pagkalugi bago ka matuto.”

Inamin ni Mark na malaki ang naitutulong ng kanyang pet shop business sa kanyang mga gastusin sa pag-aaral.

Para kay Mark, ang sikreto sa pag-abante ng kanyang negosyo ay ang kahalagahan ng pagbu-budget. Aniya, “Matutong mag-budget iwasan ‘yung pagbili ng mga bagay na hindi naman kailangan. I-budget ‘yung pera katulad ng budget sa business, budget sa school, budget sa pang araw-araw.” (Moises Caleon)

TELETABLOID

Follow Abante News on