WebClick Tracer

LIFESTYLE

Mga paraan sa mas magandang pagkain

Isa sa libangan, kung tatawagin, nating mga Pinoy ay ang kumain. Likas na sa atin ang masasarap na pagkain at masarapkumain. Dahil dito ay tumataas ang bilang ng mga karamdamantulad ng diabetes, hypertension, at hindi lang pagbigat ng timbang o overweight, kundi ang sobrang paglaki o obesity. Madalas biruin na “mag diyeta ka lang” o mag exercise aypapayat ka din. Napakadaling sabihin, ngunit mahirapmagampanan, hindi dahil sa hindi nagagawa ang mga ito, kundinapakadaming aspeto pa ang maaaring may kinalaman sapagbigat. Andyan ang hormones, ang basic physical structure, at pati ang genetics o pagkamana sa lahi nito. Anuman ang dahilan, isa pa din sa pinakamahalaga ay ang pagkain.

May mga iba’t ibang diyeta na nauso o kung tawagin ay fad diets. Maaaring epektibo, ngunit, hindi para sa lahat at madalaspag nawala na sa uso ay wala na din at hindi na natutuloy. Ang iba naman ay nagpapakagutom, intermittent fasting o mas madalas ay starvation na. Ngunit, kung ganito ang gagawin, hindi sa malayo ay mas magkakaroon ng problema dahil mas may posibilidad na magka kumplikasyon pa. May mga iba’tibang pamaraan na makaiwas dito, at yan ay kumain ng wasto. Isama na din ang pagkain sa wastong oras nang sa ganoon mas umayos ang ating metabolismo.

Kabilang sa mga ito ay ang mga sumusunod. Alalahanin ang mga macro nutrients, ang protina, carbohdrates at fats. Kaya mayroon tayong pinggang pinoy. Sa ating plato, halos kalahatiay ang gulay at prutas, sa kabilang bahagi, lagpas ng kalahatiang carbohydrates tulad ng kanin, pansit, tinapay, at patatas. Sa kabila nito ay protina, ang karne, maaaring galing sa baka, baboy, kambing, isda, hipon, at iba pa. kabilang na din ang katiting na taba dahil kinakailangan ito sa normal nametabolism. Ang distansya ng pagkain habang kumakain ay mahalaga din. Huwag dapat kumain ng mabilis. Nguyain natinng mabuti ang ating pagkain. Sa ganitong paraan, umaandar ang isa sa ating genes sa ating bibig, ang amylase 1 (AMY1) nasyang tumutulong sa metabolismo ng ating carbohydrates. Mahalagang isipin dahil nagiging asukal ang carbohydrates pagdating sa ating tyan. Kaya kailangan tulunganmagbreakdown ng mabuti. Ito na din ang dahilan kaya rikomendado ang pag inom ng orange juice o alinmang maasimna inumin sa umaga o di kaya ang pagkain ng mga enselada namay suka o maasim. Para mastimulate ang AMY1. Pati ang pagdistansya ng pagpahinga sa pagkain bago ituloy ito ay mahalaga. Mayroon kasing gene, ang leptin, kung saannakasalalay ang mensahe ng tiyan papunta sa utak na puno ito at busog na. Kung beneficial ang gene ay agad agad malalaman ng utak na busog na at tumigil na kumain. Ngunit kung non-beneficial mabagal ito. Kaya mas magandang magantay ng 30 minuto bago umorder at kumain muli.

Magenjoy tayo kumain, ngunit, isipin din natin ang mga ibangbagay na may kinalaman sa pagkain nang hindi tayo lumaki.

Hanggang sa susunod! Stay Healthy! Stay safe!Remain vigilant!

J. RYLAN G. FLORES, MD ay isang orthopaedic surgeon, nutrigenomics practitioner at DNA profiler, fellow ng International College of Surgeons at Philippine Academy of Medical Specialists. Siya ay matatagpuan sa De los Santos Medical Center. Speaker sa iba’t ibang talakayan (medical man at iba pa, dito at internasyonal). Isang personalidad sa pelikula, telebisyon, radio (mapapakinggan sa Kapitbahay tuwinghuwebes 1pm at Health Watch tuwing ikatlong linggo ng buwan9am sa DZEC1062) at Doc Rylan Facebook Live tuwing linggong 11am. Sundan sa twitter@rylanflores, gamitin ang hashtag na#docquestion at Facebook sa Doc Rylan para sa mgakomentaryo at katanungan.

TELETABLOID

Follow Abante News on