WebClick Tracer

LIFESTYLE

Mas malakas na gamot sa ubo kailangan dahil sa COVID – Unilab 

Naglunsad kamakailan ang Unilab Inc. ng mas malakas na gamot sa ubo bunsod ng patuloy na banta ng Covid-19 at sa madalas na pagkakasakit ng mga tao dahil sa abnormal na panahon dulot ng Climate Change.

Ayon kay Dr. Jonas Policarpio, Medical Director ng ULCH, ang paglulunsad ng Solmux Advance Suspension ay nagpapakita ng commitment ng Unilab na patuloy na gumawa ng mga makabagong gamot, lalo na ngayong ang mundo ay nasa gitna pa rin ng pandemya habang nakararanas ng abnormal na pagpapalit ng klima. Ayon sa mga bagong datos mula sa Department of Health, ang bansa ay nakapagtala ng humigit-kumulang 1,000 bagong kaso ng Covid araw-araw sa nakalipas na dalawang linggo, kung saan ang positivity rate sa Metro Manila ay umabot sa 25 porsiyento.

“Dahil mas maraming nagkakasakit bunsod ng Covid at biglaang pagbabago ng panahon, kailangan nating magkaroon ng advance na pag-iisip at maging maingat palagi pagdating sa ating kalusugan at kaligtasan at ng ating mga mahal sa buhay,” binigyang-diin ni Policarpio.

Inilunsad kamakailan ng Unilab Inc. ang Solmux Advance Suspension na napatunayang mas mabisa laban sa ubo na may plema dahil sa dobleng Zinc formulation nito.

Ang Solmux Advance Suspension ay kabilang sa linya ng Solmux cough medicines ng lubos na pinagkakatiwalaan ng mga Pilipino na Unilab Consumer Health Group (ULCH). Nauna ng inilunsad ng Unilab ang Carbocisteine Solmux at Carbocisteine + Zinc Solmux Advance Capsule na nabibili sa mga botika.

Ang Solmux Advance Suspension ay nilagyan ng dobleng dami ng Zinc kaysa sa sinundan nitong Solmux Advance Capsule dahil lumabas sa mga pag-aaral ang kahalagahan ng Zinc sa pagpapalakas ng bisa ng Carbocisteine laban sa ubo.

“Napatunayan sa aming pag-aaral na ang kombinasyon ng Carbocisteine at Zinc ay napakabisa sa paggamot ng ubo na may plema, at ito ang nag-udyok sa amin na i-develop ang Solmux Advance, ang kauna-unahang gamot sa ubo sa bansa — at marahil sa buong mundo — na pinalakas ng Zinc,” ibinahagi ni Leevan Fong, Brand Manager ng Solmux line.

Base sa observational study na ginawa ng isang independent investigator, ang pinagsamang 500 mg Carbocisteine at 5 mg Zinc na nasa Solmux Advance Capsule ay napatunayang nakakabawas ng sintomas ng ubo sa loob ng 3 araw at tuluyang napagaling ito sa loob lamang ng 5.52 araw.

Sa pamamagitan ng Carbocisteine, ang plema ay hindi na nagiging makapal at malagkit kaya mas madaling nailalabas ito sa pag-ubo ng pasyente. Ang Zinc naman ay napag-alamang may mahalagang papel sa pagpapalakas ng immune system.
Ang bagong variant na Solmux Advance Suspension ay naglalaman ng 27.44 mg ng Zinc Sulfate Monohydrate sa bawat isang 60 ml na botelya nito.

Nangangahulugan na ang bawat 10 ml ng Solmux Advance Suspension ay may makapangyarihang kumbinasyon ng humigit-kumulang 500 mg ng Carbocisteine at 10 mg ng Zinc.

“Patuloy kaming nakakatanggap ng mga positibong komento mula sa publiko at mga trade partners para sa Solmux Advance Suspension. Kami ay natutuwa na mabilis tinanggap ng mga tao ang Solmux Advance Suspension. Ito ay may soothing menthol effect kaya ang mga pasyente ay agad na nakadama ng ginhawa pagkatapos uminom nito,” dagdag pa ni Fong.

TELETABLOID

Follow Abante News on