WebClick Tracer

LIFESTYLE

1st Grand Santacruzan sa Botolan, Zambales dinumog

Tagumpay ang kauna-unahang Grand Santacruzan ng local government ng Botolan, Zambales na inisyatibo nina Mayor Jun Omar Ebdane, Vice Mayor Doris D. Ladines, mga Sangguniang Bayan member sa pangunguna ni SB Angel Diesta katuwang ang Botolan Tourism Office.

Ito ang unang grand Santacruzan ng LGU Botolan pero tagumpay dahil dinagsa ng mga participant at maayos na pangangasiwa ng mga tagapamahala ng aktibidad sa pangunguna ni SB Diesta at Tourism Office.

Naging tampok sa 1st Grand Santacruzan nitong Mayo 30, 2023 ang mga nagwaging ‘Mutya ng Botolan 2013’ sa pangunguna ni Valerie Allejos Catacutan ng Barangay Taugtog.

Para higit na magningning ang Grand Santacruzan ay binuksan ng LGU ang sagala sa iba pang naggagandahang taga-Botolan dahilan para mas dumami ang nakibahagi dito.

Ginawa ang prusisyon ng Santacruzan mula sa bagong munisipyo ng Botolan patungo sa mga karatig barangay para pagbigyan ang mga matiyagang nag-abang para masaksihan ang naggagandahang mga kalahok.

Kasabay nito ay nagpasalamat si Mayor Ebdane sa mga magulang ng mga kalahok dahil sa ibinigay na panahon at tugunan ang pangangailangan ng kanilang mga anak na naging bahagi ng matagumpay na Santacruzan.

TELETABLOID

Follow Abante News on