WebClick Tracer

NEWS

SMC buhos ang proyekto  para umunlad ‘Pinas

Naglunsad ang San Miguel Corporation (SMC) ng bagong vlog series sa YouTube at iba pang video platform para maibahagi ang impact na nagagawa ng kompanya sa buhay ng mga mamamayang Pilipino.

Sa ‘Sa’n Si Miguel’, ipakikilala ang iba’t ibang programa at proyekto ng SMC upang maiwasan ang disinformation at malaman ng publiko ang mga positibong development na nagagawa ng San Miguel.

Sa unang episode ng ‘Sa’n Si Miguel’ ay naging guest si Ginebra star LA Tenorio, na kasalukuyang pahinga sa basketball upang magpagaling sa cancer.

Inilahad ng multi-titled PBA player ang ginagawa ng SMC, kasama na diyan ang responsableng pagbabayad ng buwis na nakatutulong sa gobyerno para sa kanilang mga proyekto.

“Ang buwis ang pangunahing source of income ng pamahalaan, na ginagastos naman sa iba’t ibang serbisyo para sa ating mga mamamayan,” wika ni Tenorio.

“Nandiyan ang health service, libreng edukasyon, pagpapanatili ng seguridad, mga kalsada, at iba pa,” aniya pa.

Dagdag pa ni Tenorio, noong tumama ang pandemya ay nag-advance ng bayad ng buwis ang SMC para umalalay sa pondo ng gobyerno.

Isa rin ang San Miguel Corp. sa may pinakamaraming empleyado sa bansa, 40,000 ang direct employee habang 30,000 naman ang indirect employee.

“Ang mga suweldo at benepisyo na tinatanggap ng mga empleyado ay napupunta naman sa kanilang mga pamilya at tumutulong magpalakas sa ekonomiya,” sambit pa ni Tenorio.

Nagsasagawa rin ng proyekto ang SMC tulad ng sa mga road infrastructure, food security at renewable energy.

“Sa pamamagitan ng mga bagong proyekto nito, lalago pa ang ating mga lokal na industriya, lalakas ang mga probinsya, mas dadami ang magkakatrabaho, at giginhawa ang mga buhay ng mas maraming Pilipino,” ayon kay Tenorio. (RP)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)
This breaking news is brought to you by:

Una sa Balita

Popular sa ABANTE

TELETABLOID

Follow Abante News on