WebClick Tracer

ENTERTAINMENT

Gabbi ‘pupukpukin’ ng mic si Joshua

Inakmahan ni Gabbi Garcia si Joshua Garcia na ‘pupukpukin’ ng mikropono sa mediacon ng kanilang serye na ‘Unbreak My Heart’ na pinagbibidahan din nina Jodi Sta. Maria, Richard Yap at mga piling-piling Kapuso at Kapamilya stars.

Ikinagulat ni Gabbi ang testimonya ni Joshua nang matanong ito sa naging working relationship nila habang nagsu-shoot ng mga eksena sa Switzerland.

Sinabi ni Joshua na pinupunasan siya ng pawis ni Gabbi at binibigyan pa ng pagkain.

Dahil sa pagkagulat ng Kapuso aktres ay parang batang itinaas niya ang kanyang mikropono at bet hatawin si Joshua.

Siyempre, nag-joke lang naman si Joshua at biro rin naman ang reaksiyon na ‘yon ni Gabbi.

Actually, nagtawanan ang co-stars nila sa presscon sa naging biruan nina Joshua at Gabbi. Hindi rin naman kasi magagawang hatawin ni Gabbi si Joshua dahil napapagitnaan sila ni Jodi.

Samantala, pinuri ni Joshua si Gabbi. Aniya pa, ito ang katrabahong magiging kaibigan niya kahit tapos na ang kanilang serye.

Madaling nakapalagayan ng loob ni Joshua si Gabbi, kung kaya nag-o-open up ito sa kanya ng mga ganap sa kanyang personal na buhay.

“Magaang kasama,” ang isa sa mga naging deskripsyon ni Joshua kay Gabbi, na ikinatuwa ng huli.

Nang tanungin naman si Gabbi, pinuri niya ang husay ni Joshua bilang aktor, na hindi raw matatawaran.

Ayon pa kay Gabbi, magkakilala na sila ni Joshua bago pa sila nagtrabaho sa nasabing series dahil madalas silang magkita sa mga event. Alam umano niya noon pa na mabait at maayos makisama si Joshua sa lahat.

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

Una sa Balita

This breaking news is brought to you by:

Popular sa Abante

Popular sa Politiko

TELETABLOID

Follow Abante News on