Tiniyak ng Department of Trade and Industry (DTI) na sapat ang suplay ng pangunahing bilihin ngayong nagbabadyang tumama sa bansa ang panibagong kalamidad.
Ayon kay DTI Usec. Ruth Castelo, mayroong suplay ng mga pangunahing binilihin na kayang tumagal ng hanggang 40 araw.
Kaugnay nito, sinabi ni Castelo na maaaring magpatupad ng price freeze sa mga pangunahing produkto ang mga lokal na pamahalaan, ito ay sa oras na magdeklara ng state of calamity ang mga local government unit na tatamaan ng bagyo. (Betchai Julian)
See Related Story:
DTI: Suspensyon ng taripa sa e-vehicle namumurong aprubahan ng Malacañang