Kinalampag ni ACT Teachers Party-list Rep. France Castro sa liderato ng Kamara na madaliin ang pagpapatibay ng House Bill 4383 o ang Teaching Supplies Act (TSA) na kanyang inihain na layong bigyan ng P10,000 dagdag ang supplies allowance ng mga guro.
Kasunod ito sa pag-apruba ng Senado sa ‘Kabalikat ng Pagtuturo Act’ o ang counterpart bill ng kanyang panukala.
Sa ilalim ng panukala, ang TSA ay unti-unting itaas mula P5,000 patungong P7,500 para sa paparating na school year 2023-2024, at ang P10,000 ay magsisimula naman sa susunod na school year 2024-2025.
“Sana naman ay maaprubahan na agad ang panukalang batas na ito para ‘di na palaging nag-aabono ang mga teachers para sa school supplies and materials needed in teaching,” apela ni Castro. (Eralyn Prado/Billy Begas)
See Related Story: