WebClick Tracer

NEWS

BBM isusulong kapakanan ng militar, pamilya

Makakaasa ang lahat ng kawani at opisyal ng Armed Forces of the Philippines (AFP) pati na ang kanilang pamilya na sinisiguro ng gobyerno ang kapakanan ng mga ito.

Ang pahayag ay ginawa ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa kanyang pagdalo sa ika-125 anibersaryo ng Philippine Navy sa Philippine Navy Headquarters sa Roxas Boulevard, Manila.

Sa kanyang talumpati, sinabi ng Pangulo na hindi titigil ang gobyerno sa pagtatrabaho upang lalo pang mapabuti ang kapakanan ng bawat isa.

“Rest assured that as your commander-in-Chief, this administration will work tirelessly not only to improve the Armed Forces, but also in looking for ways and means to improve your individual welfare and those of your families and loved ones as well,” anang Pangulo.

Kinilala ng Presidente ang mga personnel at opisyal ng Philippine Navy sa kanilang hindi matawarang serbisyo at pagtupad sa kanilang tungkulin at pagtiyak sa kaayusan at kapayapaan sa bansa partikular na sa seguridad sa Batanes, Kalayaan Islands, Philippine Rise hanggang sa West Philippine Sea.

Ipinangako ni Pangulong Marcos Jr. ang patuloy na pagpapahusay sa kakayahan ng Armed Forces lalo na sa pagpapabilis sa modernisasyon at pagbili ng mga kagamitan ng Hukbong Sandatahan upang higit pang mapaigting ang kakayahan sa intelligence, depensa, at kakayahan sa pakikipag-ugnayan sa ibang puwersa.

“We recognize today’s awardees whose individual exemplary performances are a source of inspiration and a spur to improvements for the institution and its ranks,” dagdag ng Pangulo.

Isinabay sa anibersaryo ng Philippine Navy ang pagpapakilala sa dalawang barko ng PN, Patrol Gunboat (PG) 903 at PG 905 na ide-deploy sa Visayas at Mindanao bilang operational support laban sa transnational crimes at protektahan ang teritoryo ng bansa pati na ang mga yamang dagat ng karagatan. (Aileen Taliping)

See Related Story:

Hirit na deployment ban binutata! PBBM ‘di isusuko mga OFW sa Kuwait

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)
This breaking news is brought to you by:

Una sa Balita

Popular sa ABANTE

TELETABLOID

Follow Abante News on