Patay ang dalawang construction worker habang apat na iba pa ang sugatan nang tamaan ng kidlat sa magkahiwalay na insidente sa Gen Trias City, Cavite noong Huwebes.
Isinugod sa Gen Trias Medicare Hospital ang mga biktima na sina Xian Agripa Parangan, 10, ng Barangay Pasong Camachile II; John Carlo Mira, 9 ng Barangay Pascam II; Vince Angelo Angcaya, 8, ng PM Homes Barangay Pasong Camachile II; Edison Hachero, 16; at Jovic Gubat, 24, kapwa construction worker sa Barangay Santiago pero hindi na umabot ng buhay sina Hachero at Parangan.
Isang Daniel Geabo, 22, ng Sitio Rosa Road, San Francisco ang tinamaan din ng kidlat at nagpapagaling na.
Sa ulat ni P/Cpl. Jhocel Dayumat, nakisali si Parangan kina Mira at Angcaya nang makita niya ang mga ito na nagpapalipad ng saranggola sa bukid bandang alas-singko nang hapon.
Ilang sandali lang ay umulan kaya sumilong ang mga ito sa isang puno pero kumidlat at tinamaan ang mga ito.
Samantala, sinabi ni P/SSg. Ernesto Angue Jr. na pabalik na sa barracks pagkatapos ng kanilang trabaho nang tamaan ng kidlat sina Hachero at Gubat bandang alas-7:30 nang gabi. (Gene Adsuara)