WebClick Tracer

SPORTS

Women’s batter target sumampa sa World Cup

PILIT na aabutin ng Philippine Women’s Baseball Team ang sarili nitong hangarin na maging kwalipikado sa World Cup.

Ang 20-woman roster, na tinuruan ni Edgar Delos Reyes, ay umalis nitong MIyerkoles ng umaga patungong Hong Kong upang lumahok sa Women’s Baseball Asia Cup.

Magbubukas ng kampanya ang koponan, na binubuo ng karamihan sa UAAP batters at dating Blu Girls, ngayong araw ng Biyernes sa Group B preliminaries laban sa Indonesia.

Masusubok sila sa krusyal na laban kontra Japan at Korea sa susunod na araw.

Ang top 4 sa torneo ay magiging kwalipikado sa Women’s Baseball World Cup sa huling bahagi ng taong 2023.

Malaki ang tsansa ng Pilipinas na makapag-qualify pagkatapos ang third place finish sa huling edisyon ng torneo na ginanap noong 2019.

(Lito Oredo)

Anong masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

Una sa Balita

Popular sa Abante

TELETABLOID

Follow Abante News on