HANGAD ni Wheelchair Paralympian Jerrold Pete Mangliwan na makapagtala ng mga bagong record para sa bansa na makakapagtulak din dito para sa posibilidad na makatuntong sa mas matataas na torneo sa pagsabak sa nalalapit na 12th ASEAN Para Games sa Phnom Penh, Cambodia.
“Handang-handa na po ako sir this coming SEA Games. Mataas po ang morale natin at umaasa ako na magagawa namin na makapagtala ng mga record kasi asam namin na makalaro pa sa Asian Games at mag-qualify po tayo sa Paralympics,” sabi ni Mangliwan.
Optimistiko din ang National Para Athletics Team pagkatapos ng kanilang pagsasanay para sa 12th ASEAN Para Games na gaganapin simula Hunyo 3 hanggang 9.
“Gusto naming gumawa ng mas mahusay kaysa sa huling pagkakataon. Ang aming koponan ay tiyak na ibibigay ang kanilang makakaya dahil lahat ay gustong manalo,” sabi ni PSC Commissioner at 12th ASEAN Para Games Chief of Mission Walter Torres nitong Huwebes.
Ang koponan ay humakot ng 6 golds, 4 silvers at 14 bronzes sa 11th edition noong nakaraang taon na ginanap sa Sukarta, Indonesia.
Pangungunahan nina head coach Joel Deriada at Bernard Buen ang koponan kasama ang iba pang coach at 23 atleta.
(Lito Oredo)