WebClick Tracer

ENTERTAINMENT

Rochelle pasabog ang b-day sayawan

rochelle

Hindi matatawaran ang kaligayahan ni Rochelle Pangilinan sa araw ng kanyang birthday noong May 24.

Tinupad daw kasi ng mga taong malalapit sa buhay niya, kabilang na ang kanyang management, ang PPL Entertainment, Inc., ang kanyang mister na si Arthur Solinap at ang grupo ng iba’t ibang dancers sa bansa.

Pangarap pala ni Rochelle na mapagsama-sama lahat ang mga dancer na mga nakasama niya rin sa sayawan. Kaya dream come true raw itong talaga sa kanya.

Ginawa ang flash mob dance sa Quezon Memorial Circle at iba’t-ibang kanta ang sinayaw nila. Sabi ni Rochelle sa kanyang social media post, “Nag-send lang ako ng dance video sa kanila. Inaral nila ang sayaw. Nagbihis, nagbigay ng time at effort ang mga taong ito para sa ‘kin.

“Ang sarap sa pakiramdam. Mga taong nakatrabaho ko sa TV noon at ngayon. Ngayon, hindi ko alam kung paano sila pasasalamatan. Hindi ko alam na marami pa rin pala ang nagmamahal sa akin.

“Ang saya-saya ng birthday kong ito! Maraming salamat God sa mga taong nakapaligid sa akin ngayon.”

Ang mga dancer na nakasama nga niya ay ang PHD, Flash mob, Sex Bomb na si Mae, UMD na si Jim Salas, SOP Dancers, Magamix, Dance Focus, Polycosmic Kukuz, Vicor Dancers, Different Colors, Treasure Boys, si Mikee de Guzman ng Black and White.

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

Una sa Balita

This breaking news is brought to you by:

Popular sa Abante

Popular sa Politiko

TELETABLOID

Follow Abante News on