Patay na bumulagta ang isang miyembro ng Philippine National Police (PNP) nang aksidenteng pumutok sa kanyang tiyan ang kanyang baril habang magkayakap sila ng kanyang girlfriend sa bayan ng Astrurias sa Cebu.
Sa ulat, paalis na ang biktimang si Police Patrolman Emmanuel Giangan, nakatalaga sa Tuburan Police Station sa northern Cebu nang maglambing at yumakap sa kanya ang girlfriend para huwag muna itong umalis sa bahay nito sa Barangay Owak noong Linggo bandang alas-nuwebe ng umaga.
Aksidente umanong nahawakan ng babae ang baril ng biktima at nang tanggalin ni Giangan ang kamay nito sa kanyang service firearm ay saka ito pumutok.
Kasabay nito, pinayuhan ni Police Regional Office-Central Visayas (PRO-7) chief Brig. Gen. Anthony Aberin ang kanilang mga tauhan sa rehiyon na sundin ang gun safety sa lahat ng oras.