WebClick Tracer

METRO

Publiko inalerto VS Super Typhoon Betty

Inalerto ng pamahalaan ang publiko laban sa lawak at dalang panganib ng pagpasok sa bansa ng super typhoon Betty mamayang gabi o hanggang bukas ng umaga.

Ayon kay National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) spokesperson Assistant Secretary Raffy Aleandro, nasa labas pa lang ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ang bagyo na may international name na Mawar, todo na ang paghahanda nila ng mga local government unit para sa pagtugon sa mga lugar na hahambalusin nito.

Tinalakay na rin aniya nila ang posibilidad na pagtataas ng alerto mula sa normal patungong red alert kapag tuluyan na itong nakapasok at nanalasa sa malawak na bahagi ng bansa.

Sa pagtaya kahapon ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) aabot sa lakas na 215kph ang dala nitong hangin pagpasok bukas sa bansa.

Base sa forecast track ng PAGASA, may taglay itong lakas ng hangin na 185kph at bugso na 230kph sa labas ng PAR at huli itong namataan sa layong 2,150 kilometro sa Southern Luzon.

Sinabi ni PAGASA weather specialist Benison Estareja na ang peak intensity pagpasok ni Mawar ay nasa 215kph.
Sa ngayon ay wala pa aniya itong direktang epekto sa anumang bahagi ng bansa.

Bunsod aniya ng southwesterly wind flow ang nararanasang pag-uulan at apektado rito ang western section ng Southern Luzon, Visayas at Mindanao.

Nauna nang sinabi ng PAGASA na posibleng itaas agad ang tropical cyclone signal sa bahagi ng Cagayan at kalapit lugar pagpasok nito sa bansa.

(Tina Mendoza)

Anong masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

Una sa Balita

Popular sa Abante

TELETABLOID

Follow Abante News on