WebClick Tracer

METRO

Pinag-aaralan pagpapasara sa nasunog na Manila Central Post Office

Nakikipag-ugnayan na ang pamahalaang lokal ng Maynila sa National Historical Commission (NHC) para sa gagawing hakbang sa nasunog na gusali ng Manila Central Post Office.

Ayon kay Manila building official at city engineer Armando Andres, sinusuri na nila ang structural integrity ng gusali kung puwede pa itong gamitin o dapat ng isara para maiwasang mapahamak ang mga mananatili pa rito.

Aniya, nais nilang isalba ang gusali dahil sa pagiging makasaysayan nito pero ibang usapan na kung makokompromiso ang kaligtasan ng mga nananatili at magtutungo rito.

Sa ilalim ng National Cultural Heritage Act of 2009, itinuturing na historical at dapat pangalagaan ang mga gusali na tumagal na ng 50 taon o mas higit pa.

Dahil dito, sinabi ni Andres na hindi basta maaabandona ang Central Post Office sa kabila ng tinamo nitong pinsala sa sunog.

Anong masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

Una sa Balita

Popular sa Abante

TELETABLOID

Follow Abante News on