WebClick Tracer

METRO

P191M ‘tobats’ nadagit sa Laguna drug bust

Mahigit sa P191 milyong halaga ng hinihinalang shabu ang nasabat mula sa dalawang umano’y big time tulak sa ikinasang buy-bust operation sa Calamba, Laguna noong Miyerkoles.

Kinilala ni Police Regional Office (PRO) 4-A director Police Brig. Gen. Carlito Gaces ang mga suspek na sina Donna Mateo Gali, 37, dalaga, taga-Santo Tomas City, Batangas at John Erwin Matol Cadiliña, 37, driver at residente ng Calamba City, Laguna.

Nasamsam sa kanila ang 24 transparent plastic na naglalaman ng 27.775 kilo ng umano’y shabu na nagkakahalaga ng P191,647,000; apat na sachet na may laman na halos 100 gramo ng iligal na droga, isang knot-tie self plastic na kargado rin ng 100 gramo ng shabu,mobile phone, Toyota Hi-Ace van na may license plate number DAU-4569, boodle money at iba pang drug paraphernalia.

Ayon kay Gaces, isinagawa ang operasyon sa Barangay Makiling noong Miyerkoles ng hapon sa pakikipag-ugnayan sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA)-Laguna.

Anong masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

Una sa Balita

Popular sa Abante

TELETABLOID

Follow Abante News on