WebClick Tracer

SPORTS

Maganda, mautak, petmalu! Maxine Esteban nagtapos bilang Summa Cum Laude

ISANG panibagong karangalan ang natamo ni national fencer at dating University Athletic Association of the Philippines (UAAP) women’s Rookie-MVP Maxine Isabel Esteban nang magtapos ng Summa Cum Laude sa University of Pennsylvania sa kursong Applied Arts and Sciences.

Nagtapos sa kanyang kurso ang 22-anyos na Pinay national fencer sa kanyang bachelor’s degree na puspusan ring pinagsasabay ang kanyang pagsasanay upang matamo ang pagnanais na makapasok sa 2024 Paris Olympics.

“Hotter by 1 degree,” wika nito sa kanyang Instagram post. “Maxine Esteban, Bachelor of Applied Arts and Sciences Major in Leadership and Communications, University of Pennsylvania, Summa Cum Laude.”

Kababalik lamang sa mataas na lebel ng kompetisyon ng dating Ateneo de Manila University (ADMU) Blue Eagles student-athlete matapos magtamo ng ACL injury sa World Championships sa Cairo, Egypt noong Hulyo 2022 sa women’s foil.

Patuloy pa rin siyang ginagabayan ng kanyang foreign at legendary coach na si Andrea Magro.

Magkakasunod na pandaigdigang kumpetisyon ang nilalahukan ni Esteban kabilang ang World Cup sa Paris, France noong Enero 12, 2023.

Sumabak din ito noong Pebrero sa Grand Prix sa Turin, Italy; World Cup sa Cairo, Egypt; Grand Prix sa Busan Korea noong Marso; at World Cup sa Plovdiv, Bulgaria at Grand Prix sa Shanghai, China nitong Mayo.

(Gerard Arce)

Anong masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

Una sa Balita

Popular sa Abante

TELETABLOID

Follow Abante News on