WebClick Tracer

ENTERTAINMENT

Jamie, Marla walang kupas ang ganda, kaseksihan

Jamie Herrell

Ang gaganda, ang seseksi pa rin ng mga former ‘Reyna ng Aliwan’ na sina Jamie Herrell (2013), Marla Alfoque (2017), pati na ang mga Aliwan Fiesta Digital Queen na sina Jannarie Zarzoso (2020), Marikit Manaois (2022).

Spotted nga sila na dumalo sa event ng Aliwan Fiesta. Na kung saan ay ini-announce nga ng Manila Broadcasting Company (MBC) ang pagbabalik ng Aliwan Fiesta, makalipas ang apat na taon na pahinga.

Magaganap ito sa July 13 to 15, kasabay ng anibersaryo ng DZRH.

Unang ginanap ang kapistahan na ito ng mga iba’t-ibang mananayaw mula sa mga kilalang pista sa mga lalawigan noong 2003, at huling ginanap noong 2019 bago dumating ang pandemya.

Anyway, dumalo sa memorandum of agreement signing si Pasay City Mayor Emi Calixto-Rubiano, pati na ang vice president at artistic director ng Sining Pangkultura ng Pilipinas (CCP) na si Dennis Marasigan, at si Ruperto Nicdao, Jr. , pangulo ng MBC.

Ni-launch diin ang bagong logo ng Aliwan Fiesta. Ginamit sa mga letra nito ang Kagitingan font, bilang pagpupugay sa tibay ng loob at katatagan ng mga Pilipino sa gitna ng pandemya.

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

Una sa Balita

This breaking news is brought to you by:

Popular sa Abante

Popular sa Politiko

TELETABLOID

Follow Abante News on