WebClick Tracer

ENTERTAINMENT

Ging, Karen, Marc wasak puso sa TeleRadyo

Nagpasalamat, na may kahalong lungkot ang mga journalist, mga tagapakinig at tagasubaybay ng TeleRadyo na magsasara na.

Kabilang ang mga beteranong sina Karen Davila, Marc Logan, pati na ang dating ABS-CBN News head na si Ging Reyes sa naglahad ng kanilang naramdaman, matapos inanunsyo ng ABS-CBN ang pagtigil ng operasyon ng TeleRadyo sa June 30.

“As we face a changing media landscape, may we have the courage to continue what we are called to do. Praying for the committed employees & workers of DZMM TeleRadyo. My heart reaches out to my Kapamilyas,” Tweet ni Karen.

Sa Instagram naman ay nagbigay-pugay Marc Logan.

“Teleradyo was home for the best anchors and hardworking staff and of course mga mahal kong mga executive producers.”

Sabi naman ni Ging Reyes, “This is heartbreaking. I’m thinking of my Teleradyo team today. You all did everything you could – to keep delivering news & information in the face of monumental challenges. Don’t let anyone or anything crush your spirit.”

Sabi ni Rica Lazo, “I thought I could power through, but I guess no matter how hardened I became, the heart, when broken, will seep tears in its cracks. Masakit na laban itong bawat Kapamilya ko sa TeleRadyo.”

Nag-trend na rin sa Twitter ang “TeleRadyo,” “ABS-CBN,” at “Kapamilya” dahil sa pag-alala ng mga netizen sa mga naging kontribusyon ng TeleRadyo sa pagbabalita at pagtatalakay ng mga napapanahong kaganapan sa bansa at sa buong mundo.

Marami rin ang pumuri sa TeleRadyo dahil sa agarang pagbabalita nito tuwing may mga kalamidad at krisis.

“Ang pinaka-pinagkakatiwalaan kong source ng balita tuwing may kalamidad ay mawawala na. Maraming salamat sa paglilingkod TeleRadyo,” sabi ni Jarren Repedro.

Maging ang political analyst na si Dr. Aries Arugay, na naging guest sa mga iba’t ibang report sa mga programa ng TeleRadyo, ay nagbahagi rin ng opinyon para sa pagtigil operasyon nito.

“Suking guest political analyst ako ng TeleRadyo since 2015. I’ve always thought that it’s the most appropriate platform for my contribution to political discourse and civic education. This is a huge loss.”

Sa kabila nito, inanunsyo ng ABS-CBN ang bagong joint venture kasama ang Prime Media Holdings, Inc., kung saan magbibigay ito ng oportunidad para ipagpatuloy ng ABS-CBN ang misyon na maghatid ng balita sa publiko.

Isa ring paraan ang joint venture upang makahanap ng mapapasukang trabaho ang mga Kapamilya sa TeleRadyo na maaapektuhan ng pagpapaalam nito sa ere.

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

Una sa Balita

This breaking news is brought to you by:

Popular sa Abante

Popular sa Politiko

TELETABLOID

Follow Abante News on