WebClick Tracer

SPORTS

Gaganti kami! Camilla Lamina, NU kasado sa Season 86

ILANG linggo pa lang nang makaalpas sa kanilang mga kamay ang kampeonato, pokus na ngayon sina Camilla Lamina at ang National University (Lady Bulldogs) mabawi ang korona sa De La Salle University (DLSU) Lady Spikers.

Asam ng Lady Bulldogs na mabawi ang nawalang korona sa Season 85 ng University Athletic Association of the Philippines (UAAP) women’s volleyfest na naagaw ng La Salle sa pangunguna ni Rookie-MVP Angel Canino.

“From the highs to the lows, the victories to defeats, this season has been an extraordinary journey of growth, resilience, and being grateful. I love you team,” wika ng premyadong setter ng National University.

“Thank you to my families, friends, coaches + daddy bing, and the NU community for constantly supporting us and believing in us. We will Come back Stronger!”

Pormal nang nagpaalam sa Lady Bulldogs sina 84th season Finals MVP Princess Robles, setter Joyme Cagande at one-time Best Libero Jennifer Nierva upang pumasok sa professional league.

Pero desidido si Lamina, maging ang Season 85 Rookie-MVP na si Mhicaela Belen na rumesbak.

“Comebark season starts now. Nakakatamad mag-isip ng caption, nasabi na lahat ng teammates ko and naubos na din brain cells ko kaka-edit,” sey ni Belen.

(Gerard Arce)

Anong masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

Una sa Balita

Popular sa Abante

TELETABLOID

Follow Abante News on