WebClick Tracer

SPORTS

Daniella Uy pinalobo kalamangan sa 4

SINAWATA ni Daniella Uy ang napipintong pagbagsak sa pangangamote sa frontside nang ikasa ang apat na birdie sa huling walong butas at isalba ang 73 para doblehin ang kanyang overnight two-shot lead, sa pagkakataong ito kontra kay arch rival Harmie Nicole Constantino pa-final 18 holes ng ICTSI Villamor Philippine Masters Huwebes ng hapon.

Pambalikwas iyon ng 26-anyos, tubong Antipolo at dating Junior World champion na sinimulan ang torneo sa abanteng dalawang hampas kina Chihiro Ikeda at Marvi Monsalve, pero nagbabadyang dumausdos sa asintang pangalawang korona sa unang dalawang sabak sa pang-apat na yugto ng 11th Ladies Philippine Golf Tour 2023.

Ang tatlong bogey sa harapan at disgrasyang double bogey sa par-4 10th ang nagsiksikan sa tuktok, hindi lang nasamantala nina Korean Seoyun Kim, Constantino, Ikeda at Monsalve ang tagpo upang sipain ang nasa tuktok.

Sa halip rumesbak si Uy ng birdie sa No. 11 at nagka-momentum para makabawas ng mga stroke sa No. 13, 14 at 16 para sa 39-34 tungo sa 143 total.

(Ramil Cruz)

Anong masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

Una sa Balita

Popular sa Abante

TELETABLOID

Follow Abante News on