WebClick Tracer

NEWS

Cha-Cha tigok sa pagsipa kay GMA

Inamin ni Senador Robin Padilla na patay na ang Charter Change sa Senado gayundin sa Kamara matapos na tanggalin si dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo bilang Senior Deputy Speaker.

“Malaking isyu, hindi maliit na isyu sa mga mam¬babatas. Ayoko lang siyang pag-usapan pero tayo-tayo alam natin malaki epekto,” wika ni Padilla hinggil sa ginawang demotion kay Arroyo.

Sa Senado naman, sinabi ni Padilla na apat na senador lamang ang pumirma sa committee report, ibig sabihin ay hindi na uusad ang kanyang panukala sa pagsusog sa economic provision ng Konstitusyon.

“Ang malungkot po, talaga pong ang ‘yung 4 lang na PDP Laban ang sumasang-ayon sa ating committee report. Ang ibang mga kasama natin na mga ginagalang natin, wala po silang sagot o pirma sa pinadala natin,” paglalahad ng chairman ng Senate committee on constitutional amendments and revision of codes.

“At ‘yan naman po ay inaasahan natin dahil bago pa naman nagkaroon ng recess, sinabi na po nila noon na talagang walang future ang ating panukala,” dagdag pa niya.

Sabi ni Padilla, isa sa mga dahilan ng hindi pag-usad ng Cha-Cha ay ang gulong namuo sa pagitan ng mga lider ng Kamara de Representantes.

“Namatay siya tuluyan nang nagkagulo sa House. ‘Yan talaga wala na, hindi na talaga kumbaga kung naghihingalo siya ngayon, namatay na,” sambit pa ng senador. (Dindo Matining)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)
This breaking news is brought to you by:

Una sa Balita

Popular sa ABANTE

TELETABLOID

Follow Abante News on