WebClick Tracer

NEWS

`Bata’ ni Bautista dinikdik sa NAIA dagdag-gastos

MIAA

Kinuwestiyon ng mga mambabatas ang plano ng Manila International Airport Authority (MIAA) na i-outsource ang maintenance ng high voltage system ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3 dahil magi¬ging dagdag-gastos lang ito sa ahensya.

Sa pagdinig ng House Committee on Transportation noong Miyerkoles, sinabi ni MIAA officer-in-charge Bryan Co na inihahanda na ang terms of reference (TOR) para sa planong pagkuha ng serbisyo ng pribadong kompanya para sa maintenance ng high voltage system ng NAIA Terminal 3.

“We’ve identified early on that we do not have the necessary competencies… to manage the high voltage system, that’s why we opted to do a TOR (terms of reference) so that we could outsource po the high voltage maintenance and operation of NAIA terminal facilities,” ani Co na nagsabi pang mailalathala na ang TOR sa Hunyo.

Hindi naman nagustuhan ni ACT Teachers Rep. France Castro ang plano at sinabi na dapat ang gawin ng MIAA ay kumuha ng mga permanenteng engineer na gagawa nito.

“Bakit ang solusyon n’yo agad ay mag-outsource?” tanong ni Castro.

Sinabi naman ni Co na ito ang nakikitang mabilis na solusyon ng MIAA upang matugunan ang problema.

Tinanong naman ng chairperson ng komite na si Antipolo City Rep. Romeo Acop ang Department of Transportation (DOTr) kung ikinokonsidera ng ahensya na critical system ang high voltage facility.

“Why would you consider outsourcing it when in fact ‘yung agency na maha-hire n’yo puwede n’yang isabotahe ‘yun?” tanong ni Acop.

Sinabi naman ni DOTr Usec. Bobby Lim na pipili ang MIAA ng eligible, credible, at well-establish na kompanya para sa maintenance.

Iginiit naman ni APEC Party-list Rep. Sergio Dagooc ang pangangaila-ngan na repasuhin ang service contract ng MIAA sa Manila Electric Company (Meralco).

“MIAA i-review n’yo ‘yung electric service agreement, ano ba ‘yung kailangan pang idagdag na serbisyo ni Meralco hindi ‘yung bayad nang bayad lang tayo ng milyones sa Meralco,” sabi ni Dagooc. “Pagka malaking load dapat may add on kayo na serbisyo.”

Ang MIAA ay nagbabayad ng tinatayang P40 milyon kada buwan sa Meralco para sa serbis¬yo nito sa NAIA 3. (Billy Begas)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)
This breaking news is brought to you by:

Una sa Balita

Popular sa ABANTE

TELETABLOID

Follow Abante News on