After ng ilang weeks na pinag-usapan sa social media ay finally nagsimula na ngang ipalabas ang ‘Sparks Camp’.
Ito ang first queer dating reality show ng bansa kung saan sampung bading na tatawaging campers ang titira ng ilang araw sa isang camp. Isusugal ang kanilang kapalaran para mahanap ang kani-kanilang sparks.
Si Theodore Boborol ang magdidirek ng ‘Sparks Camp’ na kilala bilang director ng mga bagong love team.
Si Patrick Valencia na nagsulat ng ilang sikat na queer stories gaya ng ‘The Third Party’ at ‘Hello Stranger’ (series and movie) ay ang magsisilbi namang writer ng show.
Ang host naman ng ‘Sparks Camp’ ay si Mela Habijan na isang LGBTQIA+ rights.
“Sa wakas, nailuwal na natin ang #SparksCamp,” tweet ni Mela.
Nakatanggap ng maraming di magagandang komento ang ‘Sparks Camp’ dahil hindi raw naging diverse ang casting. Kulang daw sa representation ng bawat bading sa lipunan at parang iisang hulma lang ang mga personalities ang mga napiling 10 campers.
Pero nagbago ang tono ng mga netizen simula nang mapanood nila ang pilot episode. Karamihan na nga sa kanila ay pinuri ang show .Nagsi-ship na sila ng mga camper na gusto nilang magkaroon ng sparks sa isa’t-isa at maging love team in the future.
“Aliw din tong #SparksCamp first episode palang. Kinilig ako kina Alex and Bong.”
“I like the first episode of ‘Sparks Camp’. It was very entertaining. I don’t think it deserved the initial bashing it got. Love @missmelahabijan very motherly nga.”
“Karl and Dan endgame please.”
“I want to thank you @Black_SheepPH for this ground-breaking project. It now high time to normalize dating show for all genders.”
Excited na rin silang malaman kung sino ang pipiliin nina Dan at Karl na maka-date na mapapanood next week sa YouTube channel ng Black Sheep.