WebClick Tracer

METRO

Tiyuhin tinaga sa ulo ng pamangkin

Malubhang nasuga­tan ang isang 66-anyos na biyudo matapos itong tagain sa ulo ng kanyang pamangkin habang inaawat niya ito sa pakikipag-away sa Dasmariñas City, Cavite noong Martes.

Nakakulong sa Dasmariñas City Police ang suspek na si Frankie Montoya, 43, ng Barangay ng Barangay Emmanuel Bergado 1 habang ginagamot pa sa Ospital ng Dasmariñas ang biktimang si Ricardo, ng Barangay San Antonio de Padua 2, kapwa sa Dasmariñas City, Cavite.

Sa ulat ni P/Cpl. Roderick Bajado, lasing­ ang suspek habang naghahamon ito ng away bitbit ang itak sa kanilang lugar bandang alas-siyete nang gabi.

Nakiusap ang ilang residente sa biktima na mamagitan at awatin ito pero sa halip na sumunod ay nagalit ang suspek at pinagbalingang tagain sa ulo ang tiyuhin. (Gene ­Adsuara)

Anong masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

Una sa Balita

Popular sa Abante

TELETABLOID

Follow Abante News on