WebClick Tracer

LIFESTYLE

SSS condonation at E-center papalawigin

Magbabahay-bahay ang mga kawani ng Social Security System (SSS) upang ipaabot ang kanilang programang Run After Contributions Evaders (RACE) at E-Center sa May 27, 2023.

Ipapaalala ng SSS sa lahat ng miyembro ang kanilang obligasyon na bayaran ang kanilang mga utang na bahagi sa ibinabang kautusan.

Sinabi ng SSS na kailangang samantalahin ng mga miyembro nito na may mga utang na pakinabangan ang ipinatutupad na condonation o diskwento sa kanilang penalty at hindi pagbabayad ng kanilang remittance.

Malaking diskwento ang ibinigay sa bawat employer at empleyado na miyembro na hindi nakabayad sa kanilang mga buwanang kontribusyon at pagkakautang dahil sa nakaraang pandemya.

Ayon kay Delia E. Sebastian Acting Branch head ng San Jose Del Monte Bulacan City, kaisa ang kanilang Vice-President sa Central Luzon 2 Division Gloria Corazon M. Andrada ang muling pagpapatuloy sa pinasimulang house-to-house noong Abril 28, 2023 sa bayan ng San Jose Del Monte City at iba pang kalapit na bayan upang maikampanya ang ibinibigay nilang pagkakataon para sa malaking diskwento at mabawasan ang kanilang bayarin.

Mahigpit ang kanilang ginagawang kampanya dahil hindi dapat palagpasin ng mga miyembro ang pagkakataong ito dahil ang kasunod nito ay maari silang makasuhan.

Dahil dito, nanawagan ang SSS na makipag-ugnayan sa kanila ang mga kinauukulan upang mabigyan sila ng pagkakataong mapalawig ang iba pang programa upang maituro sa pamamagitan ng E- Center.

Sa E-Center maging ang mga miyembrong nakatira sa malalayong lugar ay maabot ng programa bukod sa mga gagawing pagbabahay-bahay hanggang sa dulo ng mga barangay.

Kapag ikaw naman ay kabilang sa Annual Compensation of Pensioner (ACOP), hindi na sila kailangang magsadya sa SSS dahil pupuntahan na sila ng mga kawani ng ahensiya.

Una sa Balita

Popular sa Abante

TELETABLOID

Follow Abante News on