Ni Alwin Ignacio
Sampung taon matapos ang kanyang critically acclaimed at award-winning na pagtatanghal noong 2013, ang The Necessary Theatre’s “Red” ay magbabalik ngayong 2023 na may mas matapang na layunin at mensahe.
Pinamunuan pa rin ni Bart Guingona bilang direktor at aktor, ang “Red” ay may limitadong 10-show run mula Hunyo 9 hanggang 18 sa PETA Theater Center na suportado ng ilan sa mga kapana-panabik na up-and-coming theater designers ng industriya. Ang produksyong ito ay isang ring pagdiriwang: Bart Guingona, sa kanyang muling pagbisita sa panganuhing katauhang si Mark Rothko, ay minarkahan ang kanyang ika-40 taon sa entertainment industry.
Kasama ni Guingona sa play, gumaganap sa katauhang si Ken, ang award-winning theater, telebisyon, at film actor na si JC Santos. Itinuturing naman ni Santos na ito ang kanyang pagbabalik sa teatro pagkatapos ng tatlong taon na wala siyang naging produksyon para sa isang dramatic arts company.
Bilang The Necessary Theatre’s Artistic Director, pahayag bu Guingona: “I think this is the best play for the company’s comeback after its pandemic hiatus. The fact that RED is a searing 90-minute drama, a stimulating and thought-provoking conversation piece about art and the pains of its creation – proves that point. Mark Rothko asks: “What do you see?” At the top of the play, a question this restaging considers an invitation to look even more closely.”
Ang kukumpleto sa artistic team ay tatlong kapana-panabik na bagong designer: Si Gabo Tolentino ang humahawak sa Lighting Design, Jose Buencamino para sa Sound Design, at si Mark Daniel Dalacat ay ang Associate Director at Production Designer
Ang palabas ay tatakbo mula Hunyo 9 at 16 (8:00 pm) at Hunyo 10, 11, 17, at 18 (3:30 pm at 8:00 pm) sa PETA Theater Center.
Para sa mga katanungan, makipag-ugnayan kay Ivy Baggao sa pamamagitan ng mobile sa 0915-467-6774 o mag-email sa ivy.baggao@silangcomm.com