WebClick Tracer

METRO

P57M ‘damo’ sinilaban

marijuana

Mahigit sa P57 milyong halaga ng marijuana ang winasak at sinunog ng pulisya mula sa isang linggong operasyon sa Benguet at Kalinga, Cordillera, ayon sa Police Regional Office-Cordillera-Regional Office Division (PROCOR-ROD) kahapon.

Sa report ng PROCOR-ROD, mula Mayo 14 hanggang 20, natuklasan sa nasabing mga lugar ang 227,470 ‘fully grown’ na marijuana, 3,360 marijuana seedlings at 95,000 gramo ng marijuana stalks na nagkakahalaga lahat ng P57,028,400.

Samantala, inaresto ang mga hinihinalang tulak na sina Christian Albert Garcia, 55; Belvet Palma, 47; Raysun Jacob, 39; Ramil Ong, 54; Chester Mamma, 19; Jay Ralph Casidsid, 18; Dave Perez, 19; at Obbed Cangitit, 41 nang mahulihan sila ng 5.63 gramo ng umano’y shabu na abot sa P38,284 sa anti-illegal drug bust noong Martes.

Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous­ Drugs Act of 2002. (Allan ­Bergonia)

Anong masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

Una sa Balita

Popular sa Abante

TELETABLOID

Follow Abante News on