WebClick Tracer

METRO

Illegal recruiter sa PCG nabingwit

Nagwakas ang pambibiktima ng isang lalaki na ilegal na nagre-recruit sa mga nagnanais maging mi­yembro ng Philippine Coast Guard (PCG) nang mahulog ito sa bitag ng Philippine National Police-Criminal Investigation and Detection Group at PCG sa isinagawang joint entrapment operation sa harap ng Baclaran­ Church sa Pasay City noong Martes.

Kinilala ang suspek na si Nelson Abordo habang tinutugis pa ang kanyang mga kasabwat na sina Gly-an Jubac at John Herald Padillo, pawang­ mga nasa hustong gulang.

Ayon kay PCG spokesperson Rear Admiral Armand Balilo, nakipag-ugnayan ang PCG sa CIDG nang dumulog sa kanila ang ilang biktima na nire-recruit sila ng suspek para makapasok sa PCG pero may kapalit na bayad.

Sinabi ng mga biktima na hiningan sila ng down payment ng mga suspek nitong Abril sa pangakong matatanggap sila sa PCG.

Dinakip si Abordo matapos niyang tanggapin ang P15,000 marked money mula sa isang pulis na nangpanggap na aplikante

Kinumpiska rin ng pulisya ang dala nitong cal. 45 pistol na kargado ng mga bala.

Mahaharap sa kasong Estafa at paglabag sa Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act ang suspek.

Anong masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

Una sa Balita

Popular sa Abante

TELETABLOID

Follow Abante News on