WebClick Tracer

ENTERTAINMENT

Dahil nawala sa ‘Eat Bulaga’? Jimmy Santos nilantad pagiging basurero, kalakal boy

Super proud basurero, kalakal boy si Jimmy Santos, ang dating co-host ng ‘Eat Bulaga’.

At yes, pinagmalaki niya `yon sa kanyang YouTube channel, kung saan may 578,000 subscribers siya, na may bitbit nga siyang mga basura, o bote, lata, karton, at iba pa, na dinala sa ‘Bottle Depot’.

Oh, ‘di ba? Ang bongga ng ‘Bottle Depot’ dahil yes, nasa Calgary, Canada kasi si Jimmy. At sa Calgary pala, ang mga binibili mo na softdrinks, bottled water ay may additional na Canadian 10 cents, na parang deposito, para maobliga kang ibalik ito o ibenta at ma-recycle.

Puring-puri nga si Jimmy ng netizens dahil sa content niyang `yon, na sumusunod sa kung ano ang ‘regulasyon’ sa Calgary, at nakakatulong nga sa environment, lalo na sa usaping pagri-recycle.

Makikita mo nga si Jimmy na bitbit ang mga lata, bote, karton.

“Lahat kami dito gano’n ang ginagawa. Binibilang nila ang mga dala namin, binilang. Iba-iba kasi ang halaga. Sini-segregate nila ang mga hindi dapat kasama sa plastic, o mga de-lata,” chika pa ni Jimmy.

Sa huli, pinakita ni Jimmy na kumita siya ng 15 Canadian dollars, ha!

“Ganiyan ang sistema dito, at maganda dahil nakakatulong tayo sa pagri-recycle. Ang mga nabubulok ay ginagawang fertilizer!” chika pa ni Jimmy.

Sabi ng mga netizen:

“Salute Sir Jimmy. Isa kang mabuting ehemplo sa mga Pilipino. We are proud of you.”

“Napakasipag naman ni Tatay Jimmy. God bless you and stay healthy.”

“God bless you Jimmy dahil sa kababaan ng loob mo na hindi mo kinahihiya ang mga ginagawa mo, basta ito ay marangal at hindi nakakaperhuwisyo!”

Well, wala pang isang araw ay halos kalahating milyon na ang views ng content na `yon ni Jimmy na ang title ay ‘Jimmy Saints nangalakal sa Canada!’

Well, in fairness sa channel ni Jimmy, kumpleto sila ng staff dahil may producer, director, researcher, at video editor, ha!

See Related Story:

Dapat bang kabahan ang ‘Eat Bulaga’? ‘It’s Showtime’ may pasabog

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

Una sa Balita

This breaking news is brought to you by:

Popular sa Abante

Popular sa Politiko

TELETABLOID

Follow Abante News on