WebClick Tracer

METRO

Acorda hiniling tiwala ng publiko, scalawag sa PNP uubusin

PGEN Benjamin Acorda Jr

Hinimok ni Philippine National Police (PNP) chief Gen. Benjamin Acorda Jr. ang publiko na patuloy na pagkatiwalaan ang pulisya kasabay ng pangakong didisiplinahin at uubusin niya ang mga scalawag na nagbibigay ng kahihiyan sa kanilang hanay.

“The PNP, as an organization founded on professionalism, is more than equipped to undertake administrative investigation and if the circumstances warrant, render punitive actions against its personnel involved in criminal activities,” diin ni Acorda.

Layon aniya ng hakbang na tuklasin ang katotohanan at gamitin itong oportunidad sa hanay ng mga senior officer na nadadawit sa mga ilegal na gawain na ipagtanggol ang kanilang sarili at linisin ang kanilang pangalan.

Tiniyak din ng heneral na magiging transparent at pantay ang isasagawa nilang imbestigasyon kahit ano pa ang kanilang mga ranggo sa PNP.

“Regardless of rank or position, all PNP personnel who are formally charged administratively will have to subject themselves voluntarily to these processes. Formal hearings and deliberations will be done in all cases before a final verdict is rendered,” dagdag nito.

Siniguro rin ni Acorda na walang sisinuhin ang Internal Affairs Services (IAS) at Integrity Monitoring and Enforcement Group (IMEG) sa pagkalos sa mga tiwali nilang miyembro.

Bukod pa aniya ito sa trabaho ng National Police Commission (NAPOLCOM) na tumututok naman sa pagresolba sa mga kasong administratibo ng mga pulis.

‘Makikita at mararamdaman ng lahat na seryoso ako sa pagdisiplina sa mga tiwali nating pulis. Seryoso ang layunin kong maibalik muli ang buong tiwala ng publiko sa pulisya,’ giit pa ng heneral.

“The entire PNP leadership is determined to apply the full extent of the law to rid the organization of the handful of undesirables who give the entire institution a bad name,” diin ni Acorda.

Anong masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

Una sa Balita

Popular sa Abante

TELETABLOID

Follow Abante News on