WebClick Tracer

Abante VISAYAS / MINDANAO

Misis tiningga sa ulo ni mister

Tumimbuwang ang isang 34-anyos na ginang matapos siyang baunan ng bala sa ulo ng kanyang mister kasunod ng kanilang argumento noong Lunes sa ba­yan ng Aborlan sa Palawan.

Isinugod ng kanilang mga kaanak sa Napsan Satellite Hospital sa Purto Princesa City ang biktimang si Amelita Canoy Falcasantos pero idineklara itong dead on arrival ng mga doktor.

Samantala, tumakas at tinutugis na ng mga tauhan ng Aborlan Municipal Police Station ang suspek na si Angelito Falcasantos, 45-anyos, magsasaka.

Sa ulat, maaga pa lang noong Lunes ay nagtatalo na ang mag-asawa sa hindi pa matukoy na dahilan sa kanilang tahanan sa Barangay Aporawan sa nasabing bayan.

Nauwi ang pagtatalo ng mag-asawa sa matinding away hanggang kunin ng suspek ang kanyang baril at ipinutok ito sa ulo ng biktima.

Hindi narekober sa lugar ang baril na ginamit ng suspek na pinaniniwalaang bitbit nito sa kanyang pagtakas.

Una sa Balita

Popular sa Abante

TELETABLOID

Follow Abante News on