WebClick Tracer

OPINION

Hindi naman ‘baliw’

Mula nang magkaroon ng pandemic, sinasabing dumami mga tropapips ang mga tao sa mundo na nagkakaroon ng mental health problem, kabilang ang mga Pinoy. Ang iba, sa tindi ng problema, hindi na kinakaya.

Pero bago ‘yan, batiin muna natin ang maganda sa mental health na panalo ng Gilas Pilipinas, na nabawi ang korona bilang kampeon sa basketball sa Southeast Asian Games o SEA Games.

Tinalo ng Gilas para sa gold medal ang team Cambodia, na mayroon ding resbak na mga import players. Pero bago ang finals, tinalo muna ng Cambodia at pinaiyak ang mga Pinoy sa elimination round.

Aba’y pati ang ultra bilyonaryo at number one supporter ng Gilas na si Manny V. Pangilinan eh nadismaya nang maolats ang mga Pinoy cager sa Cambodia. Mukha namang nakatulong ang marakulyo ni MVP para magising ang mga player at coaching staff.

Noong una kasi, kung ano-ano at kung saan-saan ang itinurong sisi ng coaching staff sa pagkatalo nila sa Cambodia. Hanggang sa matauhan yata sila na paramihan pala ng shoot ng bola ang laban, at hindi paramihan ng masisisi at palakihan ng puso.

Ngayong tapos na ang SEA Games, ang FIBA world cup basketball naman na magsisimula sa Oktubre ang paghahandaan ng Gilas. Kahit mas matindi ang magiging laban dito, mas maganda sa mental health ang mabasa sa balita na panalo ang Gilas. Kaysa naman mabasa natin ang linyang “for learning experience” kapag na-o-olats ang Team Pilipinas. At natauhan ang coach, idinaan sa Buslo, hindi puro Puso.

Balik tayo sa usapang mental health, batay sa lumabas na mga ulat, kumpara noong 2019, dumoble ang bilang ng insidente na sinasaktan ng mga Pinoy ang kanilang sarili pagsapit ng 2020 na panahon ng COVID 19 pandemic, na nagsimula sa China.

Kung paniniwalaan ang lumabas na mga datos, sinabi sa isang hearing sa Kongreso, na base sa impormasyon mula sa Philippine Statistics Authority, may mahigit 4,000 na suicide cases noong 2020. At sa datos naman daw ng Department of Health, mayroong 2,821 na “suicide calls” noong 2020.

Kung pagbabasehan ang bilang para sa 2020, mukhang may mahigit 1,000 na nagpatiwakal sa datos ng PSA, ang hindi na nakasama sa bilang “suicide call” ng DOH. Ibig bang sabihin eh marami ang hindi nakakatawag sa mga “help line” o hot lines?

Ayon naman sa isang opisyal ng National Center for Mental Health, mahigit 21,000 ang natanggap nilang tawag noong 2021, at 7,600 daw dito ay “suicide related calls.” Ang tanong, ilan kaya ang naagapan o hindi itinuloy ang masamang balak sa kanilang sarili?

At sa nasabing mahigit 21,000 tumawag, 4,800 ang 17-anyos pababa, at karamihan naman ay 18-anyos hanggang 30-anyos na pasok pa rin sa tinatawag na “youth.” Hindi na kataka-taka kung dumami ang mga nakararanas ng mental health problem dahil na rin sa sistema ng buhay ngayon.

Aba’y madaling mainggit ang mga tao ngayon dahil sa social media. Bukod pa sa mas pahirapan ang buhay ngayon, at mahirap makontento ang iba sa kung ano ang mayroon sila–dahil na rin nga sa mga nakikita nilang post sa social media.

Ang tanong, nakakasabay naman kaya ang mga kinauukulang ahensiya ng pamahalaan, at maging ang pribadong sektor para matulungan ang mga may mental health issue? Hanggang ngayon, ang helpline o hotline ng NCMH na konektado sa Mental Hospital ang mas nakikita ng mga tao na puwedeng tawagan.

Ang problema, ang mga taong may mental health problem gaya ng mga nakararanas ng depresyon, ikakatwiran na “hindi sila baliw,” kaya bakit sila magpapatingin sa duktor o tatawag sa helpline na iniisip nilang konektado sa mental hospital.

Hirit ng ilang tropapips natin, dapat hindi lang konektado sa NCMH ang mga helpline o hotline na puwedeng tawagan ng mga kababayan natin na kailangan ng “kausap.” Sa halip, gamitin din ang ibang ahensiya, i-promote ang helpline at hotline ng mga pribadong grupo, at gamitin ang social media kung saan mas marami ang nakatutok ngayon. Tandaan: “Bata mo ko at Ako ang Spy nyo”

Anong masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

Una sa Balita

Popular sa Abante

TELETABLOID

Follow Abante News on