WebClick Tracer

LIFESTYLE

Ang bagong Ako, kasama ang Panginoon

Marami sa atin ang lost at matagal nang hinahanap ng tamang direksyon para sa isang masaya at mapayapang pamumuhay.

Yung tipong isang lugar na masasabing totoong ‘bahay’ o tahanan kung saan mo mararamdaman ang kakaibang saya pagkagising mo pa lang sa umaga.

Marami pa rin ang naliligaw at patuloy na hinahanap ang kanilang purpose sa buhay. Kaya naman nakakatuwa at very inspiring ang naging kuwento ng kaibigan kong si Dra. Janice na tuluyan nang nahanap ang kulang o missing link na nagbibigay sa kanya ng fulfillment at malakas na pananampalataya.

Narito ang kanyang kuwento:

Magandang pagbati sa inyong lahat. Ako po ay si Dr. Janice Gracia. Isang dentista sa Pasig. Nais ko pong ibahagi ang aking kwento sa pananampalataya sa Panginoon.

20 yrs. ago noong una ako na invite sa simbahan ng Kristiyanismo ng isang kaibigan. Ngunit, bumalik din ako sa dati kong relihiyon. Mga apat na beses ako nagpabalik- balik sa simbahan hanggang dumating na ang Covid lockdown. Ang aking colleague na si Dr. Tricia Mallari ay inimbitahan ako sa isang bible study kasama ang iba pang dentista na sina Doctors Emily, Cynthia, Ellen, Cha, Beng at Aimee. Kami ay nagtitipon online tuwing Lunes ng gabi hanggang sa nadagdagan pa kami ng dalawa pang ‘kapatid’ na si Doctors Fersie and Marichu.

Ang tawag sa grupo namin ay BS4Jesus na ibig sabihin ay Bible Study for Christ. Malalim na ang naging samahan namin. Marami akong natutunan sa buhay na dati rati, sa akala ko, ako lang nakakaramdam ng matinding mga pagsubok sa buhay. Sa mga sharing namin narinig ko ang mga kwento ng kapwa kong mga dentista, na mas mabibigat at mas maraming challenges pa silang pinagdaanan. Nakita ko kung gaano sila katatag na hinarap ang mga ito. Ako’y napabilib sa kanilang karanasan, ang sabi nila humuhugot sila ng lakas ng loob sa tiwala sa Panginoon.

Natutuwa ako sa samahan namin dahil nagkaroon ako ng mga kapatid sa Panginoon or Sister’s in Christ kung tawagin. Bonus na rin na nagkaroOn ako ng kaibigan na mga kapwa dentista dahil nagkakatulungan kami sa clinical cases para sa mga pasyente. At maganda pa dito, sila ay mga professional, humble at confidential ang mga usapan namin sa grupo.

Dito ko nakita ang pagbabago sa sarili ko. Nag- iba ang aking conviction at values. Mas lumalim ang pananaw ko sa buhay. Natutunan kong maging mapagmalasakit, maalalahanin at mapagbigay sa kapwa lalo na sa mga pinanghihinaan ng loob.

Noong medyo nagluwag na sa restrictions ukol sa pandemic at maari nang mag face to face na pagtitipon, ako ay nagkaroon ng pagkakataon na umattend sa Christ’s Commission Fellowship (CCF) Main. Sa aking mga pagdalo nagkaroon ako ng mas malalim na pang-unawa sa Salita ng Diyos at marami pang ibang natutunan sa ating Panginoon. Buhay na buhay ang Sunday service namin, mula sa mga tagapag salita kasama na rin ang mga iba pang tao na naroon. Kapupulutan ito aral. Mararamdaman mo na ikaw ay mago-grow sa pananamplataya at bilang isang tao.

Isang araw. Kinausap ko ang discipleship leader namin na si Dr Emily. Sabi ko sa kanya na ako’y handa na magpa- baptize. Noong araw din na iyon, ongoing ang registration for retreat.

Katapusan ng Abril ng maganap ang 2 days retreat namin. Mahigit 700 ang dumalo. Sa unang araw, naramdaman ko ang unconditional love ng Panginoon at nalaman ko na maganda ang plano Niya sa buhay natin. Nagkaroon din ng sharing matapos ang mga tagapagsalita. Nagtipon ang anim (6) na indibidwal bawat grupo at may nakatalaga na facilitator. Parang pagbabahagi sa buhay- buhay ang nangyari, mga saloobin na malalim at seryoso pero may masaya ding mga kwento na kumukumpleto sa tema ng usapan

Sa pangalawang araw. Mayroong apat na speakers at kasunod na nito pinaka- aasam ng lahat, ang water Baptism, ang Declaration of Faith sa Panginoon. Makahulugan sa akin ang araw na iyon, napaka-solemn ng pagkakaganap. Sa seremonyas ng paglulubog ko naramdaman na tapos na ang aking nakaraan at namumuhay na ang bagong ako na kasama ang Panginoon.

Maraming natuwa at bumati sa akin. Lalo na ang mga kristyano rin na kamag-anak at kaibigan. Ramdam ko ang suporta nila at pagmamahal. Dito po nagtatapos ang aking kwento sa panulat na ito, pero patuloy ang aking paglalakbay gabay ang Panginoon.

To God be the Glory.

Una sa Balita

Popular sa Abante

TELETABLOID

Follow Abante News on