WebClick Tracer

Abante VISAYAS / MINDANAO

Tanod tsinugi sa harap ng esmi

Bulagta ang isang barangay tanod matapos itong ratratin ng dalawang hindi pa nakikila­lang riding-in-tandem sa harap ng kanyang asawa noong Biyernes sa Talisay City, Negros Occidental.

Lulan ng traysikel ang biktimang si Dennis Tribaco, ng Barangay Zone 10, Talisay City kasama ang asawa patungo sa Silay-Bacolod Airport para sunduin ang kanilang anak nang dikitan ito ng mga suspek sa kahabaan ng Barangay Efigencio Lizares sa nasabi ring lungsod noong hapon ng Biyernes.

Bumunot ng baril ang angkas na suspek at tinarget ito sa noo.

Hindi na ito umabot ng buhay nang dalhin sa Talisay City Health Center.

Iniimbestigahan na ang motibo ng pamamaril. (Edwin Balasa)

Una sa Balita

Popular sa Abante

TELETABLOID

Follow Abante News on