Idineklara ang state of calamity sa Aklan dahil sa pagkalat ng African Swine Fever (ASF).
Ito’y matapos kumpirmahin ng Office of the Provincial Veterinarian (OPVET) na pitong bayan sa lalawigan ang apektado na ng ASF.
Kabilang dito ang Balete, Tangalan, Makato, Numancia, Kalibo, Batan at New Washington.
Lumitaw na hindi bababa sa 18 ang kumpirmadong kaso ng ASF sa nasabing mga lugar batay sa isinagawang convective polymerase chain (CPCR) ng Department of Agriculture-Western Visayas.
Dahil dito, hinigpitan ng lokal na pamahalaan ang pagpasok at paglabas ng mga baboy mula sa mga apektadong bayan para hindi na makahawa pa sa ibang munisipalidad sa lalawigan.