Napanaginipan ko raw ang aking crush na kasama ko habang nakaupo tapos naglakad-lakad kami sa bandang labas na ng trabaho namin.
Pagkatapos ay nakita kong malapit na kami sa sakayan ng bus, pero paglingon ko sa kanya ay wala na siya sa tabi ko. Alam kong nag-uusap kami pero paggising ko hindi ko na maalala kung anong pinag-uusapan namin. Sa totoong buhay naman, nag-uusap kami, hindi niya alam na crush ko siya pero matagal na ‘tong feelings ko sa kanya. Hindi ko rin alam kung may idea ba siya na palihim ko siyang sinusulyapan at minamahal kahit sa malayo.
Xoxo
Ang panaginip natin tungkol sa mga crush o taong hinahangaan o lihim na minamahal ay isang wish-fulfillment dream. Ibig sabihin, gustong-gusto mong matupad ang iyong hiling na makasama at makausap ang iyong crush at umabot na ito sa iyong panaginip.
Kung iniisip mo ang iyong crush buong araw o ilang oras bago ka matulog, posible na ito ang maging dahilan para mapanaginipan mo siya. Ang panaginip ding ito ay tungkol sa iyong desire at pleasure.
Dahil kasalukuyan mo lang siyang crush at hindi pa lumilipas ang iyong nararamdaman sa kanya, sinasabi ng iyong panaginip na magkakaroon kayo ng maayos na samahan. Bagama’t hindi pa malinaw sa ngayon kung magkakatuluyan kayo, indikasyon naman ang panaginip na ito na magkakaroon ka ng masaya at stress-free na lifestyle.
Kung sa palagay mo ay negatibo ang vibes ng iyong panaginip, maaaring sinasabi nito na masyado kang nag-aalala sa isang bagay na mangyayari pa lamang at wala pang katiyakan.
Sakali naman na ex-crush na ang pumasok sa iyong panaginip, maaaring sign ito na hindi ka masyadong nag-e-effor para sa relasyon na pinapasok mo.
Maaari rin na dumadaan ka sa sitwasyon ngayon kung saan nagbabago ang iyong buhay. Maaaring reminder ito na may mga aspekto ng iyong buhay ang gusto mo pang punan gaya ng pagbuo ng pamilya.
Samantala, ang panaginip naman kung saan ni-reject ka o iniwan ka ng iyong crush ay indikasyon naman na may magaganda pang mangyayari sa iyong buhay. Magbibigay kasi ito sa iyo ng drive para mas magsikap pa para mapansin ka niya o kaya naman ay pagbaling mo sa iyong energy sa iba pang importanteng bagay.
DISCLAIMER: Ang DREAM CATCHER ay nagbibigay lamang ng general information tungkol sa mga kahulugan ng ating panaginip. Wala itong kinalaman sa relihiyon, kulto o anumang ispiritwal na aspekto ng buhay. Sa mga gustong isangguni ang kanilang panaginip, mag-email sa abantedreamcatchers@gmail.com.