WebClick Tracer

LIFESTYLE

‘Symphony of Colors’ ng Pintakha 

Ang Pintakha ay grupo ng mga artist na binuo ng magkakaibigan mula pa noong 2017.

Sa pamamagitan nila Nathaniel San Pedro at Jan Michael Barretto ay pinagbuklod -buklod ang mga artists na may kinalaman sa sining upang ibahagi ang kanilang kaalaman, inspirasyon at makabuluhang ekspresyon sa sariling pangkahulugan ng kanilang mga obra.

Naniniwala ang Pintakha na sa pamamagitan ng sining ay nakakapaghilom ng sugat at maging tulay para sa pagkakaisa.
Ito ang adbokasiya na para mabigyan kabuluhan ang kanilang mga sining at maibahagi din sa buong mundo.

iniimbitahan ang lahat upang samahan sila sa kanilang paglalakbay sa kanilang sining at adhikain.
ang titulo ng kasalukuyang exhibit ng Pintakha ay ang ‘Symphony of colors’ -ang paglikha musika ng sining sa kaibuturan ng kaluluwa.

Naging matagumpay ang pagbubukas ng exhibit sa Artablado – Robinsons Galleria na dinaluhan ng mga piling panauhin kabilang na ang inyong lingkod.

Ang exhibit ay nagsimula noong May 16 at magtatapos sa May 31, 2023. Ang mga magagaling na artists ng Pintakha ay sina
Aj Ballecer, Dominic Urbano, Ica Horario Enriquez, Janet Ballecer, Jeram Apostol, Mick Barretto, Muriel Macapal, Nathaniel San Pedro, Sherrry Macawili at Zorrick Enriquez.

Makikita sa kanilang mga obra ang makukulay nilang sining na siyang bumagay sa tema ng exhibit.

Ang ‘Symphony of colors’ ayon sa grupo ay ekspresyon ng kanilang mga emosyon at simbolo ng kanilang mga pangarap upang maibahagi sa mga tumatangkilik ng kanilang mga obra.

Tulad ng musika ang sining ay naghahayag ng tunay na damdamin ng puso at gumigising ng kaluluwang natutulog.

Ito ay nagpapaalala ng mga magagandang alaala ng kanilang nakaraan . Kaya naihambing ng Pintakha ang kanilang sining sa musika para maihayag nila sa pamamagitan ng bawat hampas ng kanilang paint brush sa canvas ang musika ng sining-masaya .. madamdamin .. kalungkutan.. kapayapaan .. kasaganaan .. tagumpay at marami pang iba.

Pasikatin pa natin ang Pintakha para mas marami pa silang magawang obra at marami pang maabot ang Pintakha.

Una sa Balita

Popular sa Abante

TELETABLOID

Follow Abante News on