WebClick Tracer

Abante VISAYAS / MINDANAO

Bigtime tulak sa CamSur dinakma

Arestado ang isang high value individual (HVI) na tulak ng ilegal na droga habang nasa mahigit P8 milyon halaga ng pinaniniwalaang shabu ang nasamsam dito matapos ang buy bust operation ng pulisya kamakalawa sa Naga City, Camarines Sur.

Hindi na nakapalag ang suspek na nakilalang si John Joseph Yukim, 34, ng Bayawas, Abella, Naga City nang posasan ng pulisya matapos ang drug bust.

Sa ulat na ipinadala ni Police Brig. General Wetrimundo Obinque, Police Regional Office (PRO) 5 Director, isang buy bust ang ikinasa laban kay Yukim dakong alas 7:05 ng umaga nitong Biyernes sa Zone 2, LCC Exit Terminal, Sabang, Naga City kung saan nakuhang makabili ng 200 gramo ng shabu ang isang police poseur buyer sa suspek.

Matapos ang palitan ng transaksyon ay agad sumenyas ang poseur buyer upang arestuhin ang suspek at bukod sa 200 gramo ng shabu ay nakuhanan pa ito ng nasa 1 kilo ng pinaniniwalaang shabu na nagkakahalaga ng P6.8 milyon.(Edwin Balasa)

Una sa Balita

Popular sa Abante

TELETABLOID

Follow Abante News on