WebClick Tracer

ENTERTAINMENT

Dahil kay Coco at ‘Voltes V’ Network war ng ABS-CBN at GMA-7 tuloy pa rin

Ang Facebook post kahapon ng GMA-7 scriptwriter na si Suzette Doctolero.

“Perception is the key.

“Ang isa pang usual na technique na ginagamit para palabasing malakas at number one ang isang show ay…

“Idedelay ang airing ng palabas. For example, kung usually ay umeere siya ng 8pm pero dahil natatalo siya ng katapat na programa (Voltes V! *ubo*) kaya idedelay nila ang pagpapalabas (pake nila kung maghintay ang audience nila??) nila by 30 mins so sa halip na ang makakatapat nila ay yung malakas (*ubo* Voltes v!) ang tatapatan na nila ay ang kasunod na programa na mas mahina ang ratings so that mas lalabas na mas mataas ang ratings nila..

“So ayan, malamang ay maglalabas sila ng ratings na mas mataas na nga sila kaysa sa original nilng kalaban… at sa tinapatan.

“Again, style ito ng pagmamanipula sa audience para palabasing malakas at nangunguna. Perception nga kasi ang importante. Na sa ‘mata’ ng kanilang mga inuutong audience ay numero una sila.

“We don’t do this kind of shit. Matalo o matalo, lagi kaming matapat sa inyo. Sinasabi ko lang sa inyo ito because I am so fed up with all of these bs. Charot! “So paglabas ng ratings mamaya, dahil may magic nang naganap kaya alam na. Sa kabila nito, maganda pa rin Ang umaga mga kapuso so please enjoy the rest of your day!”

Nag-chat kami sa Facebook Messenger ni Suzette at sinabing baka pagsimulan na naman ng network war ng ABS-CBN at GMA-7 ang pinost niya.

Sagot naman ni Suzette, “Hahahaha maganda naman ‘yang network war. Para buhay ang TV. Hahahahaha.”

Sagot naman namin, “Pero ibinabalik mo raw ang network war.”

Sey ni Suzette, “Bongga naman ‘yan. Boring ang showbiz pag wala.”

Tanong ko pa sa controversial Kapuso scriptwriter, “Can I quote you na bongga pag may network war?” na sinagot niya ng, “Need ng competition. Need ng network war para buhay ang TV. Kahit anupa sabihin. For example, hindi ako pabor na nawalan ng istasyon ang Dos. Dapat ‘di tinanggal sa kanila ang istasyon. Competition is good. Kaya ang network war ay good for the TV industry.”

Agree ba kayo sa sinabi ni Suzette?

Ano kaya ang magiging reaksiyon ng ABS-CBN?

Naku dahil sa ‘FPJ’s Batang Quiapo’ nina Coco Martin at Lovi Poe, pati sa ‘Voltes V’ na pinangungunahan nina Miguel Tanfelix at Ysabel Ortega mukhang buhay na buhay uli ang network war, ‘noh?!

‘Yun na!

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

Una sa Balita

This breaking news is brought to you by:

Popular sa Abante

Popular sa Politiko

TELETABLOID

Follow Abante News on