Kumalat sa social media ang pic ng ilang shops ng FamilyMart na nagsara na o inabandona na kahapon.
Nag-tweet si JP @dumidyeype ng pic ng FamilyMart sa Market Market sa BGC na walang tao at kuryente at nagkalat ang mga diyaryo sa loob. Aniya, ganoon din ang nakita niya sa branch ng FamilyMart sa Uptown sa BGC din.
Nag-tweet sa kanya si greg@gregvangelista ng pics naman ng FamilyMart sa Chino Roces Avenue sa Makati City na abandonado na rin. Tinanong niya ang guard sa building at sinabi sa kanyang sarado na ang branch.
Tweet ni Aris Cunanan @HeyRisCunanan, “May problem po ata sila with the Management. Some stores ‘di nakakapagbayad ng rent kaya karamihan ng mga stores nila nagsasarado po.”
“Dito din sa Avida San Lorenzo Makati abandoned na ‘yung FamilyMart. Hindi rin daw nakakapagbayad ng rent,” tweet ni @MyNameIsT_O_S_H.
Ang Philippine FamilyMart CVS Inc. ay pag-aari ni Davao businessman Dennis Uy na kilalang supporter ni dating Pangulong Rodrigo Duterte. Ang kompanya ay nasa ilalim ng Phoenix Petroleum Philippines Inc. na hindi pa nagsusumite ng 2022 annual report sa Philippine Stock Exchange na Abril 17 pa ang deadline. (Eileen Mencias)