WebClick Tracer

Gervonta Davis sinabing hilaw pa si Ryan Garcia

Sa paghahanda ni WBA lightweight world champion Gervonta “Tank” Davis para sa kanilang mega-fight catchweight main event ngayong ika-22 ng Abril sa T-Mobile Arena, hindi pa raw buo ang kakayahan ng kanyang makakalaban na si Ryan Garcia.

Ayon sa three-division world champion, kilala si Garcia sa kanyang matinik na left hook, ngunit kailangan pa niyang magpakita ng ibang kakayahan upang maging isang complete fighter.

“Ryan is gonna have to show me that he has more than just a left hook. I’m gonna be on point that night because I’m getting ready for the best Ryan Garcia.”

“I just don’t feel that he’s a complete fighter and come April 22 I’m gonna show him,” pahayag ni Davis sa kaniyang media workout sa Barry’s Boxing Gym.

Ang dalawang boksingero ay parehong walang talo sa kanilang record. Si Davis ay may 28-0 na record na may 26 knockouts habang si Garcia ay may 23-0 at 19 knockouts. Ibig sabihin, ang magiging panalo sa laban na ito ay magiging malaking tagumpay para sa kanila.

“This win would mean a lot. Beating someone young, explosive and in their prime says a lot. I feel like this fight is big for the sport. We’re drawing in a lot of people and a win on that night is really like winning a world title again,” ani pa ni Davis.

Abangan natin kung sino sa dalawang boksingero ang magiging pinakamalakas sa kanilang laban sa ika-22 ng Abril. Tunay ngang mas exciting ang bawat suntok at pag-ikot ng laban kapag naging buhay ang mga personalidad ng mga boksingero. (Ponciano “John” Melo)

TELETABLOID

Follow Abante News on