WebClick Tracer

ENTERTAINMENT

Vi, Boyet love team for all seasons

Matapos ang pitong taon ay muling gagawa ng pelikula si Vilma Santos. Ang maganda pa, magtatambal sila uli ni Christoper de Leon, na naging leading man ng Star For All Seasons sa ilang hit movies.

Ayon kay Ate Vi nang mabasa niya ang synopsis at setting ng pelikula, plus si Boyet (palayaw ng aktor) pa ang makakatambal niya, agad daw niyang tinanggap ito.

Timing daw na sa Japan ang location dahil Sakura season or Cherry Blossom plus may mga snow pa sa ibang area na kailangan lahat ng mga eksena nila sa pelikula kapag nag-shooting sila.

Bale 25th film na nila ang ‘When I Met You in Tokyo’. Una silang nagtambal sa ‘Tag-Ulan sa Tag-Araw’ noong 1975, at ‘Mano Po 3: My Love’ naman noong 2004 ang last nila, kaya ang sabi, love team for seasons ang dalawa.
Isang love story ito ng mga may edad na. Wala raw kasing pinipiling edad ang mga nagmamahalan. Sabi nga ni Ate Vi, “Love has no boundaries.”

Hindi raw kailangan baguhin ang mga edad nila para lang maipakita ang pagmamahalan ng dalawang nilalang.

Dahil Vi-Boyet ang proyektong ito, maraming naniniwala na magiging blockbuster ang ‘When I Met You in Tokyo’.
Sina Rowena Jamaji at Rajan Gidwani ng JG Productions ang producers ng reunion movie na ito nina Vi at Boyet.

Three weeks ang shooting sa Japan at kasama rin daw sa movie sina Cassy Legaspi, Darren Espanto, at Jacky Woo.

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

Una sa Balita

This breaking news is brought to you by:

Popular sa Abante

Popular sa Politiko

TELETABLOID

Follow Abante News on