Isa na nga si Andrea Brillantes sa top artists ng Star Magic.
Nagsimula siya bilang child star at maagang nakaranas si Andrea na ma-bash, kaya sa naganap na ‘Star Magical Prom’ ay nagbigay siya ng payo sa Star Magic Junior Class artists kung paano haharapin ng mga ito ang mga basher.
Ayon nga sa dyowa ni Ricci Rivero, hindi mawawala ang mga basher sa buhay ng artista kaya dedmahin na lang daw ang mga ito dahil ang mas importante ay kung paano sila bilang tao at artista.
“You know what matters? ‘Yung kung paano kayo bilang tao, paano kayo bilang artista. Kayo ba ay masipag? Kayo ba ay mabait sa lahat o kayo ba ‘yung artista na nang-aapak ng iba upang makaangat?”
Perfect din ang payo ni Andrea tungkol sa mga baguhang artista na nagmamadaling sumikat dahil siya nga mismo ay naghintay ng sampung taon para lang mapunta sa kinakatayuan niya ngayon.
“Your time will come. You have to believe in God‘s timing. Siya lang talaga ang makakapagsabi kung ano ang deserve natin. Ako, I had to work hard for ten years para mabilhan ko ng bahay ‘yung pamilya ko. It took some time pero it happened. Huwag kayong magpadala sa pressure. Nandito tayo kasi may pangarap tayo. Hindi ‘to pabilisan. Andito tayo kasi may goal tayong lahat,” motivational words ni Andrea sa junior class ng Star Magic.
Samantala, ang ganda-ganda ni Andrea sa prom na nakasuot ng crystal fringe gown ni Michael Leyva at nanalo rin sila ni Ricci ng Best Promposal at Most Creative Promposal awards para sa ‘promposal’ nila noong ‘Born Pink’ concert ng Blackpink .