Teams W L
La Salle 9 0
Adamson 6 2
UST 6 3
NU 5 3
FEU 4 5
Ateneo 3 5
UP 1 7
UE 0 9
Mga laro Sabado:
(Araneta Coliseum)
Second Round Eliminations
12:00nn — NU vs UP (women’s)
2:00pm — Adamson vs Ateneo (women’s)
TATAPUSIN ni reigning Rookie at MVP Mhicaela “Bella” Belen ang dalawang sunod na pagkabigo ng National University (NU) Lady Bulldogs pagharap sa University of the Philippines (UP) Lady Maroons sa kainitan ng second round sa 85th University Athletics Association of the Philippines (UAAP) women’s volleyball tournament Sabado sa Smart Araneta Coliseum.
Nalublob sa dalawang magkasunod na straight set loss ang defending champions kontra sa mahigpit na karibal at undefeated na De La Salle University (DLSU) Lady Spikers sa pagtatapos ng first at pagsisimula ng second round noong isang linggo dahilan upang bumagsak sa solo fourth place ang Jhocson-based lady squad sa 5-3 kartada.
Determinado ang Lady Bulldogs na makakabalik sila sa winning form na mahaba ang naging preparasyon para sa nakatakdang pakikipagharap sa Lady Maroons sa unang laro ng women’s division sa alas-12 ng tanghali, na susundan naman ng liparan ng Adamson Lady Falcons at Ateneo Blue Eagles sa alas-2 ng hapon.
“We remain positive pa rin naman kahit na ano’ng mangyari, we know pa rin na iyun nga, babawi’t babawi kami. Ano lang, learning [experience] lang rin sa amin para makapag-adjust rin kami siguro,” wika ni NU head coach Carl Dimaculangan. “Kailangan namin magtulungan, kailangan talaga naming magtrabaho mabuti.”
Puntirya naman ng Lady Falcons na mapanatili ang ikalawang pwesto sa 6-2 marka matapos ang panalo kontra sa University of Santo Tomas (UST) Golden Tigresses, at pinaghahandaang mabuti ang ikalawang pakikipagtapat sa unbeaten Lady Spikers.
“Sana sa mga tight games, we could have done better. ‘Yun ‘yung gusto namin sana. We faltered sa La Salle. Next game namin La Salle na agad, so hopefully may changes kaming ma-apply that would work for the team,” saad ni coach Jerry Yee.
“After the first round, we did our job. We were able to get the games that we needed to win. I think our placing is okay.” (Gerard Arce)